Introduksyon
Dito sa Pilipinas ay isa ng gawain ang pagiging isang tamad at walang magawa sa buhay ito ay parte na ng mundo ng mga tao. Ang pagiging tambay ay isang mabigat na problema ng lipunan dahil isa itong pabigat sa pag-unlad ng pamumuhay ng sambayanan.
Silang mga dakilang tambay ay makikita natin sa iba’t-ibang sulok ng ating bansa. May mga tambay sa mga kanto-kanto, sa mga estero, sa mga eskinita, sa mga mall, sa palaruan ng basketbol, sa bilyaran, sa mga computer shop, at sa mga kalsada. Ibig sabihin nito malala ang suliraning kawalan ng trabaho ng maraming Pilipino.
Unemployment o kawalan ng trabaho ng mga tao ay isang problemang hindi mabigyan ng solusyon ng gobyerno at kung minsan ng mga tao na mismo. Makikita natin na maraming mahuhusay na mga kabataang nakatapos ng pag-aaral na nakaupo lamang sa bahay at walang ginagawa. Ang iba sa kanila ay umaasa lang sa kanilang mga kasambahay na bigyan sila ng sustento sa kanilang pangangailangan. Ang iba sa kanila ay likas ng tamad at alam lang ay kumain at sumama sa barkada. Maaring ang ilan sa kanila ay nagalalabas lamang ng sama ng loob dahil sa mga problema na kanyang kinakaharap. Sapat na sa kanila na palipasin ang maghapon at magdamag ng walang pag-unlad. Ang parami-paraming mga kabataang tambay sa kalye ay kaalinsabay din ng pagtaas ng bilang ng mga krimen na nangyayari sa lipunan. Ang tanging nais lang ng pag-aaral na ito ay tukuyin kung anu-ano ang ugat ng problemang ito, at hanapan ito ng solusyon ayon sa kani-kanilang kalagayan sa buhay. Mahalaga itong salik ng ating lipunan na dapat pag-usapan at bigyan ng solusyon dahil maaaring dumating ang panahon na ang ating bansa ay isang ng hikahos sa kahirapan at maging pinakahuli sa listahan ng mahihirap na bansa
Balangkas
May mga iba't ibang kadahilanan at epekto ng pagiging taong tambay.
Narito ang mga kadahilanan at mga epekto:
- Walang Kabuhayan
- Kawalan ng Pera
- Magulong kapaligiran
- Pagkainggit sa ibang tao
- Hindi kayang makapag aral
- Pagnanakaw
- Walang magawa
- Magulong pag-iisip
- Bisyo sa alak
- Pagkalulon sa Droga
- Naghahanap ng libangan
- Pagkatuto sa paninigarilyo
- Nabubugbog at napaparusahan ng magulang
- Pagkalungkot
- Masamang impluwensya ng Barkada
- Pagiging miyembro ng praterniti
- Pagkasira ng pamilya at pagiging ulila.
Metodolohiya
Ang pananaliksik na ito ay nagawa dahil sa tulong ng mga taong malapit at importante sa buhay nila, mga mananaliksik. Naglikom at nagsaliksik sa mga libro na kanilang nakita. Nag-interbyu din sila ng isang madre sa isang maliit na orphanage. Dito sila nakakuha ng tala at ng iba pang impormasyon tungkol sa kanilang paksa. Nagtanong-tanong din sila at naginterbyu ng mga kakilala nilang mga hindi nag-aaral o out of school youth at ang ginagawa lang ay ang pagtatambay sa kalye. Nakapanood din sila ng mga dokumentaryo tugkol sa mga tao na may pamumuhay na ganito. Nalalaman din nila ang ganitong sitwasyon base sa kanilang nakikita at karanasan ng kanilang mga kakilala. Nakapaghanap din sila sa kompyuter o internet ng karagdagang impormasyon. Naging mahirap sa kanila na makahanap nang mga gagamiting instrumento at mga libro na may kinalaman sa kanilang paksa bilang karagdagang kaalaman na makatutulong ng maayos sa kanilang pag-aaral. Kahit sa mga libro tungkol sa paksa na ito o kahit sa internet ay limitado lamang ang makukuhang tala na nangangahulugang lamang na kakaunti lang ang may pag-aral dito. Kaya binase na rin nila sa mga napapanood at nakikita nila ang ilang dokumento na inyong mababasa dito, ito ay hango sa tunay na buhay na kanilang nakikita sa araw-araw. Dahil din sa walang sawang pagtatanong-tanong sa mga taong nakaranas nito na dati ring mga tambay sa kalye pero biglang nagbago ng makakuha ng maayos at magandang trabaho at sa ngayon ay may maganda nang pamilya.
Saklaw at demilitasyon
Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy lamang sa mga kabataang mapapansin ninyo sa lansangan pakalat-kalat at batang inyong makikita sa mga kanto-kanto ng inyong lugar na walang ginagawa kung hindi palipasin ang mga sandali sa barkada, sa bisyo, alak, at iba pa. Ito ay isinigawa sa pamamagitan ng pangangalap ng mga ebidensiya at datos sa iba’t-ibang kategorya tulad ng mga libro, magasin, disyunaryo, kompyuter o internet, at lalong-lalo na ang walang sawang pagtatanong sa mga taong sadyang may karanasan at kaalaman ukol dito. Sila ans magpapatunay na kahirapan pa rin ang tanging dahilan ng pagkakaroon ng ganitong suliranin ng lipunan. Ang pag-aaral ay isinagawa lamang ng isang linggo at sila ay nagtulong-tulong sa pinansiyal upang masuportahan ang ganitong mahusay na problemang dapat pag-usapan at bigyan ng ng solusyon sa lalong madaling panahon.
Katawan
Ang isang malaking problema ng Pilipinas ay ang populasyon. Isa ang Pilipinas sa bansang marami ang populasyon. Pero sa mabilis na paglaki ng dami ng bilang ng tao sa ating bansa, sinu-sino ba ang may bilang na pinakamarami? Sila ba ang mga bata, kabataan o yung bilang ng dami ng mga matatanda. Sila ba ay nabibilang sa mga taong walang trabaho o tambay lamang o sila ba ay ang mga taong nagbabanat ng buto sa pagtatrabaho. Base sa pagsusuri mas malaki ang porsyento ng mga walang trabaho o tambay (unemployment) at dami din ng bilang ng mga batang lansangan sa bansang Pilipinas kaysa sa maliit na porsyento ng mga may trabaho at mga batang nag-aaral.
Ang pagiging tambay ay isang napakalaking problema sa bansang ito dahil kung susuriing mabuti ay wala silang naiaambag sa pagsulong o pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. At bunga ng kawalan ng trabaho at pagiging tambay ito pa ang nagiging dahilan ng pagkakasangkot nila sa iba’-ibang uri krimen tulad ng pagnanakaw, pagpatay, panghihila ng hindi nila gamit at marami pang iba. Kaya marapat lamang na mabawasan ang kanilang bilang sa bansang Pilipinas. Marami ng lugar ang iniiwasang daanan ng mga tao dahil sa kanila. Kahit saan man pumunta ang mga tao ay marami pa ring lugar na hindi nababantayan ng mga kapulisan, isa itong palatandaan na hindi na ligtas sa ibang lugar sa Pilipinas. Maraming pagkakataon na nakikita ng sambayanan ang ibang tambay na humihithit ng sigarilyo, gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o droga at sumisinghot ragbi. Minsan naman ay nakikitang nag-iinuman sa kalye at sa mga eskinita, na kung minsan pa ang tama ng alak ay dinadala sa init ng ulo hanggang sila-sali ay magpatayan pa. Kung ganito ang magiging kalagayan ng bansang ito balang araw at hindi tatagal ang Pilipinas ay mabibilang sa pinakadelikadong lugar sa mundo. Minsan pa natatakot gumamit ng iba’t-ibang kagamitang teknolohiya tulad ng mga cellular phone ang mga tao sa dyip, kalye o kahit saang mataong lugar dahil sa takot na maholdap o maisnatsan. Nangangamba ang mga tao na maglabas ng pera o ng kung anumang mamahaling gamit sa labas dahil baka mawala lang ito sa isang iglap lang. Sinasabi ng ilan na ang dahilan ng walang trabaho at tambay ay ang kahirapan, pero hindi lamang kahirapan ang tanging dahilan kung bakit nagkakaroon ng tambay sa bansang ito. Madaming tao ang nagsabing ang mga taong walang magawa sa buhay at walang pinag-aralan ay walang pakinabang sa mundo at pabigat lang sa gastusin ng ordinaryong Pilipino. Pero hindi nakikita ng ibang tao kung ano talaga ang totoong dahilan kung bakit hindi na mabilang ang dami ng mga tambay at walang trabaho ngayon ng maraming kabataan o ng mga nakatatanda. Mayroon pang malalim na dahilan kung bakit sila napapasama sa problemang ito sa ngayon. Hindi naman lahat ng tambay ay masama, sa una ito ang magiging reaksiyon ng ibang tao subalit mayroon ding mabubuting tambay na maaaring wala lang silang makuhang magandang trabaho. Subalit mas marami pa rin ang masamang tambay kaysa sa tahimik at mabubuti, masama dahil sinasanay nilang maging tamad ang kanilang mga sarili, bukod dito dulot ng barkada natututo silang gumamit ng mga ipinagbabawal na gamot, yosi (sigarilyo), sumasali sa mga fraterniti at kung anu-ano pang hindi magandang epekto ng pagiging tambay. Mayroon din iba’t-ibang klase ng tambay hindi naman lahat ay pare-pareho, depende ito kung anung buhay mayroon sila at kung saan sila nakatira. Kung isa ka kaya sa tambay, pulubi sa lansangan, mahirap, walang pinag-aralan ano ang mararamdaman mo? Kung ikaw ay nabibilang sa pinagmamalupitan ng ibang tao at ng iyong pamilya saan ka lalagay? Saan ka pupunta? Hindi ba masakit isipin na maging katulad mo sila. Hindi ibig sabihin na nakaka-angat ka sa buhay o isang kang mayaman ay kailangan mo na sila agad husgahan o laitin. Mas maganda kung susuriin mo muna kung ano ang dahilan bakit nila ginagawa ang bagay na iyon. At sa halip, tulungan mo na lang sila kung sa tingin mo ay labis na ang kayamanang nasa iyo. Marapat na ibahagi sa kanila ang ibang grasya dahil ito ay ibinigay ng diyos sa tao ng pantay-pantay. Tulungan sila kung kinakailangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng hanapbuhay sa kanila ng sa ganun ay mabawasan ang bilang ng madaming mamamayang tambay sa panahon ngayon.
Para maiwasan ang ganitong suliranin ng lipunan marapat na ito ay pangunahan ng ating pamahalaan na pag-ibayuhin ang pagkakaroon ng maraming trabaho ng mga mamamayan para sa katahimikan at kapayapaan hindi lamang ng pamilya pati na rin ng mga mamamayan ng Pilipinas. Bilang sukli naman kung ito ay magagawa ng gobyerno sa mga tao gawin naman sana ng ibang tao na pangalagaan ang bagay na ito ng kung saan ikauunlad ito ng kanilang sarili at ng buong pamilya sa kinabukasan. Higit sa lahat, hindi na sila palaboy, palamunin at tuluyan na silang makakaalis sa buhay tambay.
Dito sa Pilipinas ay isa ng gawain ang pagiging isang tamad at walang magawa sa buhay ito ay parte na ng mundo ng mga tao. Ang pagiging tambay ay isang mabigat na problema ng lipunan dahil isa itong pabigat sa pag-unlad ng pamumuhay ng sambayanan.
Silang mga dakilang tambay ay makikita natin sa iba’t-ibang sulok ng ating bansa. May mga tambay sa mga kanto-kanto, sa mga estero, sa mga, sa mga computer eskinita, sa mga mall, sa palaruan ng basketbol, sa bilyaran shop, at sa mga kalsada. Ibig sabihin nito malala ang suliraning kawalan ng trabaho ng maraming Pilipino.
Unemployment o kawalan ng trabaho ng mga tao ay isang problemang hindi mabigyan ng solusyon ng gobyerno at kung minsan ng mga tao na mismo. Makikita natin na maraming mahuhusay na mga kabataang nakatapos ng pag-aaral na nakaupo lamang sa bahay at walang ginagawa. Ang iba sa kanila ay umaasa lang sa kanilang mga kasambahay na bigyan sila ng sustento sa kanilang pangangailangan. Ang iba sa kanila ay likas ng tamad at alam lang ay kumain at sumama sa barkada. Maaring ang ilan sa kanila ay nagalalabas lamang ng sama ng loob dahil sa mga problema na kanyang kinakaharap. Sapat na sa kanila na palipasin ang maghapon at magdamag ng walang pag-unlad.
Ang parami-paraming mga kabataang tambay sa kalye ay kaalinsabay din ng pagtaas ng bilang ng mga krimen na nangyayari sa lipunan. Ang tanging nais lang ng pag-aaral na ito ay tukuyin kung anu-ano ang ugat ng problemang ito, mga dapat gawin.
Kitang-kita natin ang mga kabataang pakalat-kalat at tambay sa ka Maynilaan. Pero ang tanong ano nga ba sila? Ang mga batang lansangan ay mga kabataan na ating palaging nasalubong araw-araw at lumalapit sa atin upang maghingi nang abuloy puwedend pera o kaya’y pagkain. Ito ang mga kabataan na nagsasaliksik sa pagkaing mga itinatapon na ng mga restaurant o ibang business establishment, sila ang mga kabataan na nagdala ng mga sampaguita garlands despite the heavy ruins and the soaring heat. Children, small and frail, hugging white- skinned pedophiles unmindful of consequences; children risking their lives as they eye for and snatch items from passage–by. Ang mga batang ito ay nasa panganib na kalagayan na ang kanilang mga boses ating marinig dahil sila’y malapit sa atin.
Ano ba ang totoong kalagayan ng mga batang lansangan?Sila ay karaniwang mga ilong-tuwapos o orphans. Puwedeng buhay ang kanilang mga magulang pera patay na dahil walang responsibilidad at puwedeng totoong patay na talaga.
Dahil sa matinding kahirapan na ating bansa at halos sunod-sunod ang dagok sa buhay ng mga Pilipino lalong-lalo na sa ibang krisis na dumating sa ating buhay. Ang mga batang lansangan ay dumami ng ang Mt. Pinatubo ay pumutok. Taun-taon ito’y hindi nababawan bagkus it was multiplied. These are the children ages 4 to 8 years old who are forced to warn a living on the street for their needs and those of their families.
Isipin at isipin natin na umabot ng 1.2 milyon ang lansangang mga bata dito sa mga urban centers in the country to find for themselves with 25.000 found in Metro Manila alone. It is estimated that at least one parent of the population of all major cities in the Philippines are considered hard-core street children. Ang maroriya ay mga lalaki mula 7 to 16 years old. Ngayon mayroong 1.2 to 2 milyon batang lansangan sa buong bansa. An estimated 3,000 street children are believed to be victims of sexual exploitation. Ang masaklap lang sa mga batang lansangan ay kulang sa pinag-aralan.
Report from UNICEF gives figure on street children in the third world. The total is 80 million. There are 10 million of these children in Africa, 20 million in Asia and 50 million in Latin America. Mula sa lumalaking daigdig ng mga skwater. Sa third world countries. Ang mga kabataan ay naghahanap ng mga bagay upang mabuhay. Walang paaralan, walang pamilya at walang mag-aaruga para sa kanilang kalusugan. Ang kanilang malalaman lamang ay yung kaguluhan, gutom at kahirapan mula nang namulat sila sa mundong ito.
Lumalaki pang papyulasyon. Si Rio de Janiero. Isang sosyal worker from Brazil ay nagsabi na ang mga kabataan ay nasabing bansa ay parang basurang winalis at itinatapon. Ang mga batang lansangan ay parami ng parami sa buong daigdig. Sa Brazil lamang ay mayroon ng 2.8 milyon mga batang lansangan na naging vagabondage. Doon sa London ang mga kabataan ay naging bagong mga mga pulubi sa mga lansangan. A clinical psychologist who surveyed the problem in Columbia observed that street youths are smart and strong. Ang kailangan lang nila ay yung protection at kasigurohan sa kinabukasan. Sa nakakalipas ng mga buwan. Isang Autralian Institute sa Family studies ay naghayag na mayroong 17,000 mga kabataan na walang tirahan mula 15 to 19 naging palaboy-laboy sa mga lansangan sa nasabing bansa na tutulong kahit saan mula parks and alley ways to cardboard cartoons, turning to crimes and prostitution for survival and suffering major health and emotional damage in process.
Sa Western Europe mayroong 100,000 youths nanirahan sa mga lansangan. Karamihan sa kanila ay tumakas sa kanilang mga tahanan. Tumakas sila mula sa mga mahirap at mayaman ng pamilya. They run from pleasant sub-urban homes that have swimming pools and new bicycles and they run from squalid tenem ent where rats prowl. Some are even thrown out.
Ito na ang mga panahon ng moral orphans. Ang mga layas na mga kabataan ay na sa 100 milyon buong mundo sila ay nakakaawa sa mga lokong mga nilalang na ito ay pinagsamantalahan sa kanilang kahinaan. Ito mula pa sa iba-ibang mga bansa.
Sa Toronto lamang umabot na sa 51% ang tumakas na naging biktima ng sexual abuse base sa pag-aaral ng health and Welfare Canada. Libo mga kabataan ay napabayaan at itinatakwil ng kanilang mga bayan. Ang State Department of Health at Human Services ay umabot na sa isang milyon na mga kabataan ay tumakas sa kanilang mga tahanan bawat taon sa ibang bansa mga states sa America. Isang servey ay nagpapakita ng 57% ay nagmula sa hiwalay na mga magulang, 16% never knew their father, 25% ay nasa mental hospitals 48% ay nag-suicide.
Ang mga batang tumatakas sa kanilang mga tahanan ay bahagi sa pamilyang wasak at nagkawatak-watak.
Paano mamumuhay ang mga batang lansangan? Habang malayo sila sa kanilang magulang at ang magulang ay malayo sa kanila. Ito’y humantong na pababayaan talaga ang mga bata hanggang dumating ang masaklap na panahon ang kanilang buhay ay nasa panganib kung ito’y manatili sa lansangan. Tumakas sila sa akala na masarap ang buhay na malayo ang magulang pero hindi pala. Pupunta sila sa isang lugar na hindi nila alam. Karamihan sa kanila ay walang pera at hindi makapasok sa isang trabaho dahil walang pinag-aralan. Walang batas upang magtrabaho ang mga menor de edad na kabataan at walang karanasan sa mga trabaho na ito’y isang mabigat na dahilan na hindi sila makakuha nang trabaho. Ang mga batang layas ay marumi ang mga damit, walang bahay tulugan at walang ligo pa.
Sa mga kabataang tumakas ang kanilang unang masalubong ay iyong mga drug dealers, pimps at pornographer. Isa sa tatlo ay maging biktima at naakit upang pasukin ang isang prostitution. Upang magamot ang kanilang mga hinanakit at kasalanan, tikman nila ang droga. Ang mga pimp kukunin sila at akitin sila na maging malaya upang ibenta ang kanilang katawan sa pangmadaliang-aliw lamang. Tinatawag ito na “ Survival Sex “.
Sa mga malalaking siyudad tinataya na umabot ng 90% ang mga layas na mga kabataan na nanatili sa lansangan at ibinigay ang sex para mayroon silang tulugan. At itoanaman ay mabuti para sa kanila.
Ang kailangan sa mga batang lansangan sa ating mundong tinatayuan, ang mga batang lansangan ay nakalimutan ng ating lipunan habang panahon. Ito ang dahilan na manatili silang kaawaan sa kanilang kalagayan. Ito ang mga unang kailangan at pagkalinga na dapat bigyang pansin.
- ang mga batang lansangan ay maibalik sa kanilang mga magulang.
- ang mga batang lansangan at nangangailangan ng payo pampubliko
upang malaman nila ang lahat na dapat nilang malalsman.
- sa panahon ngayon, ang unang mahalaga ay iyong kabutihan para sa kabataan. Ito’y bigyan ng konsiderasyon.
- ang gobyerno ay masikap at gagawa ng paraan upang mabigyan ng kinabukasan ang mga batang Pilipino.
Konklusyon
Base sa pag-aaral at pagsusuri na aming ginawa ay masasabi naming totoo na napakaraming mahihirap dito sa Pilipinas , at marami sa mga mahihirap na iyon ay nagiging masama at nalululong sa masamang bisyo o mga masasamang gawain. Marami din ang hindi nakakapag-aral at sila lang ay tumatambay at gumagawa minsan ng gulo. Mga dahilan nila ang iba’t-ibang problema kung bakit sila ay nawawala sa landas at naiiba ang direksiyon ng kanilang buhay. Mas maraming mga tambay ang nanggaling sa mahirap na pamilya kumpara sa bilang ng mga mayayamang tambay at kung minsan ay wala pa. Paano na ang Pilipinas kung halos karamihan sa mga kabataan ay mahihirap at walang ping-aaralan? Hindi ba’t sinabi ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kaya nararapat na sa mga kabataan magsimula ang pagbabago subalit sila ay dapat nasa ilalim pa rin ng pangangalaga ng kanilang mga magulang upang ang mali ay maging tuwid at ang tama ang siyang dapat manaig. Kaya pangalagaan din ng gobyerno ang mga kabataan lalong-lalo na yung mga mahuhusay na kabataan na pangkalawakan ang husay at talas ng isip. Napagtanto rin namin na napakaraming kabataan ang nagnanais na mag-aral at may kapasidad na makipagtagisan ng galing sa ibang kabataan sa ibang bansa, subalit ang lahat ng ito nauwi sa malungkot na pangyayari na sila ay animo’y isang basang sisiw at dakilang tambay lamang sa kalye. Napag-alaman din namin na ang tanging epekto ng problemang ito sa mg kabataan ay ang paglahok nila sa iba’t-ibang masamang gawain tulad ng pag-iinom ng alak, sigarilyo, minsan ang iba sa kanila ay nasasangkot pa sa paggawa ng iba’t-ibang krimen sa lansangan. Napansin din naming na ang iba sa kanila ay umaanig sa mga samahan tulad ng fraterniti at iba pang samahan na ang layunin ay magkaroon ng antas sa mundo ng mga kabataan.
Rekomendasyon
Dapat na bigyan ng mabilis at magandnag solusyon ang problema na ito. Ang gobyerno at ang mga tao ay dapat na magtulong-tulong upang malutas ang malaking problema na ito. Unang-una, dapat bigyan ng oportunidad ang mga mahihirap para magtrabaho upang kumita sila ng kahit konting salapi para may pangkain sila. Dapat din ay limitahan lang ang panganganak sa isang pamilaya. Dapat yung manganak lang sila ng madami kung kaya nilang buhayin at bigyan ng magandang kinabukasan ang mga ito. At dapat ding dagdagan ang mga pampublikong mga eskwelahan para sa mga mahihirap at bigyan din ng gobyerno ng priyoridad ang mga hikahos sa buhay ng libreng o murang pabahay at pag-ibayuhin nilang simulan na mgaing maganda at maayos ang takbo ng kanilang buhay. Nararapat ding makilahok ang mga mamamayan na makipagtulungan sa gobyerno at sumunod sa batas na ipinapatupad nito. Iwasan ang diskriminasyon sa bawat isa at pangaralan ang mga nagmamaliit sa mga maralitang Pilipino. Naniniwala kami na may panahon pa at kaya pa ng mga Pilipino na magbago.
Ang dapat gawin ng gobyerno ngayon sa lumalalang probleme na ito ay dapat na supportahan nila ang pangangailangan o pag-ibayuhin ang pagbibigay ng trabaho sa mg taong walang trabaho at maayos at libreng pag-aaral ng mga mahihirap. Dapat lamang na gawan ng matinding aksyon ang problemang ito. Marapat lamang na ang namamahala ay may metal at matigas na kamay para lahat ng tao ay matatakot gumawa ng krimen laban sa ibang tao. Huwag din muna sila maliitin o apihin dapat munang alamin kung ano ang totoong kulay ng kanilang buhay bago sila husgahan, sila ang hindi na mabilang na tambay. Bilang may buhay sa mundong ito dapat ay bigyan sila nang isang pagkakataon para matupad ang mga pangarap nila, dahil marami din silang pangarap na nais nilang marating. Mababait sila sa kalooban nila pero madalas silang inaaapi at hindi binibigyan ng importansya. Hindi rin sila binibigyan ng pagkakataon para makamit nila ang mga gusto nila sa buhay kaya ang tanging magagawa lang nila ay tumambay at walang magawa sa buhay. Dapat din ay makatulong din ang mga tao sa mga tambay sa kahit na pinakamaliit na paraan na maaari nilang gawin para makatulong. Ang gobyerno ay dapat din magbigay ng mga libreng pabahay sa mag mahihirap at dapat bigyan ang mga tao ng pagkakataon na magtrabaho at kumita para sa kanilang pamilya. Maganda ang pagkakagawa ng Pilipinas na may orphanage kaso kulang ng kulang pa ito. Dapat ay marami at malaki ang mga ganitong klaseng proyekto para sa madaming mahihirap na mamamayan. Subalit hindi lamang ang gobyerno at ibang tao ang dapat tumulong sa kanila, dapat sila mismo ang tumulong sa kanilang sarili kung paano babaguhin ang takbo ng kanilang buhay tungo sa pag-unlad ng kanilang sarili, pamilya, at pag-angat din ng buong pamayanan.